PAG-IBIG.
Ito ay darating sa panahong hindi mo inaasahan.
Ngunit ito rin ay biglang mawawala ng hindi mo inaakala.
Sabi nila masarap daw ang magmahal. Masarap ang pakiramdam ng mayroong isang taong palaging andyan para sa iyo.
Sa panahong walang-wala ka na.
Sa panahong nahihirapan ka.
Sa mga oras na gusto mong tumigil na.
Kapag nawawalan ka ng pag-asa.
Ang sarap isipin na mayroong isang taong handang manatili sa tabi mo, kahit pa ikaw na mismo ang sumusuko.
Ngunit darating ang panahon na hindi mo inaasahan.
Na ang taong minsa’y inakala mong mananatili hanggang dulo ay bigla nalang mawawala.
Ang mga pangakong binitawan ay bigla nalang maglalaho.
At mapapatanong ka sa sarili mo kung bakit.
Bakit ako iniwan?
Bakit ako nawalan?
Bakit ako mag-isa?
Bakit ako nasasaktan?
Bakit ako nalulungkot?
Bakit?
Lumipas na ang mahabang araw at hindi mo parin nasagot ang iyong mga tanong.
At ang sakit sa iyong puso ay nananatili sa loob ng mahabang panahon.
Hanggang isang araw, pagmulat mo ng iyong mga mata sa umaga,
Iyong napagtanto na mayroon ka nang kasagutan sa iyong mga tanong.
At natutunan mo ang isang bagay pagdating sa pag-ibig.
IIBIG LANG KAPAG HANDA NA.
IIibig lang kapag handa ka nang magpatawad kahit sobra kang nasaktan.
Iibig lang kapag kaya nang ngumiti kahit nahihirapan.
Iiibig lang kapag hindi na galit ang nasa puso.
Iibig lang kapag handa nang harapin ang pagbabago.
Iiibig lang kapag natutunan ng maging totoo.
Iibig lang kapag hindi na sariling kapakanan mo ang inuuna mo.
Iibig lang kapag mas malalim na ang pang unawa mo.
Iibig lang kapag mas nakikita mo na ang magandang plano sa hinaharap kaysa sa nakaraan.
Iibig lang kapag marunong nang magpasalamat sa lahat ng pagkakataon.
Iibig lang kapag narinig mo ang tinig na nagsasabing “Anak, sya ang inilaan ko para sa iyo.”
Iibig lang kapag handa na ang puso.
Iibig lang kapag narinig mo sa tunay na may akda ng pag-ibig na ikaw ay handa na.
Dahil kailanma’y hindi naging madali ang umibig.
Ito ay isang desisyon na dapat pinanghahawakan kahit anong bagyo man ang dumating.
Ito ay pinaglalaban, hindi iniiwanan.
Pag-ibig ang magpapasaya sa iyo.
Ngunit kapag hindi ka handa, ito rin ang wawasak sa iyo.










